Lahat ng tao, mayaman o mahirap ay dumadaan sa iba’t ibang klase ng pagsubok. Layunin ng bawa’t isa na maka lagpas sa mga pagsubok na ito. Karamihan ng tao ay hindi iniinda ang pababagong takbo ng pang araw-araw na buhay. Kasabihan pang ang mga pagsubok na ito ay nagiging dahilan para lalo pang lumakas ang loob at tumibay ang pang-laban sa mga pagsubok. Mapapansin na bawa’t isang tao ay may sariling paraan ng pagharap sa mga pagsubok. May mga epektibong paraan, mayroon ring hindi masyadong epektibo.
Inalam ng mga mananaliksik kung ano ba ang sinasabing “resilience” (lakas o tibay ng loob), at ano ang mga karakter ng tao na masasabing, resilient.
Ito ay ang kakayahang mag-adapt / mag-adjust sa mga hindi magandang bagay na nagyayari sa atin o sa mga mahihirap na kondisyon ng buhay.
Sana nakatulong ito sa inyo. Ito ay hinango ko, sinalin at pinasimple mula sa librong Problem Solving Therapy in Clinical Practice. May maipapayo ba kayong naging epektibong paraan ng pagpapatibay ng loob niyo sa mga ibang mambabasa?
================================================================
Christopher Alipio, MD, DSBPP
Psychiatrist
Consultant, Amang Rodriguez Memorial Medical Center
Visiting Consultant, Veterans Memorial Medical Center
Visiting Consultant, Philippine Heart Center
Ano ang mga gingawa natin kapag na stre-stress? Mga bagay para gumaan ang pakiramdam natin. Ang tawag sa mga ito ay mga Coping Mechanisms. Sinasadya natin ang mga ito para mabawasan ang bigat ng mga bagay na ting iniisip o nararamdaman. Ano ang mga halimbawa ng mga ginagawa niyo kapag na-strestress? Ang iba eh nakikinig ng music, o tumatawag sa kaibigan para maglabas ng sama ng loob (venting, sa ingles).
Ang kailangan natin malaman dito ay meron tayong coping na maituturing na “healthy” at meron ding hindi masyadong healthy.
Mga halimbawa ng healthy coping:
Mga halimbawa ng unhealthy coping:
Pero minsan mahirap timbangin kung ang isang paraan natin ng coping eh maituturing na healthy o hindi dahil hindi masyadong obvious kung ito ay nakakasama sa atin kung parati nating ginagawa ito. Halimbawa: Pag-ako ng responsibilidad. Minsan ito ay naabuso. Pag-kain sa labas o pagshoshopping. Minsan hindi natin napapansin na lumalabis ang gastos natin sa kakayanan natin. Pagmomobile games. Una harmless, pero pag napasobra minsan wala na tayo natatapos.
Subukan mong mag imbentaryo kung ano ang mga ginagawa mo pag nastre-stress. Mabuti na dapat tayo ay may mahabang listahan ng mga bagay na pwede natin gawin kapag nastrestress. Pag hindi gumana ang isa, subukan ang iba. Minsan kaya tayo napupunta sa puntong pakiramdam natin ay wala na tayong ibang choice sa buhay natin ay dahil hindi natin pinaghahandaan ang mga oras na hindi tayo ok, na dumarating naman sa lahat. Pinagwawalang bahala natin ang mga oras na “ok” tayo. Ito ay panahon para mag muni-muni at alamin ano ang mga healthy coping natin.
Ano ang kaibahan ng Coping Mechanisms sa Defense Mechanisms? Ang mga Defense Mechanisms ay mga bagay na madalas hindi natin alam na ginagawa natin para mabawasan ang mga bagay na mabigat nating iniisip o nararamdaman. Tinatawag na “Unconscious.”
Halimbawa, minsan kapag napagalitan tayo sa trabaho o eskwela, pag-uwi natin at binati tayo ng ating nakababatang kapatid o nanay, bigla natin sila nasusungitan. Babatiin nila tayo, o bakit ang sungit mo. Hindi natin sinasadya na naipapasa natin ang naramdaman nating hindi maganda sa kanila. Ang tawag dito ay: Displacement.
Kung may healthy at unhealthy Coping Mechanisms, meron rin ang Defenses. Pwede rin silang tawaging mature at immature Defense Mechanisms.
Isa sa mga karaniwang immature defense mechanism ay ang “Acting Out.” Ito ay pagwawala, pagsisigaw, pagdadabog, pag hindi maganda ang pakiramdam, naiinis, di nakuha ang gusto, o frustrated. Makikita dito bakit tinatawag na immature defenses ang mga ito, dahil ito ay gawain an ok lang sa bata pero hindi kung ikaw ay may edad na. Kung bigla ka magwala sa gitna ng mall, siempre iisipin ng mga tao ay kakaiba ang iyong kinikilos.
Halimbawa ng Healthy/Mature Defenses:
Halimbawa ng Unhealthy/Immature Defense:
Magshare naman kayo sa comments ng mga halimbawa ninyo.
Christopher P. Alipio, MD, DSBPP
Psychiatrist
Marami akong nakukuhang mga requests for evaluations para sa trabaho. Karaniwan para humingi ng accommodations para sa work set-up. Tatalakayin ko ang mga bagay na importante para sa mga kompanya at empleyado sa article na ito.
Ano ang Work Accommodation?
Ito ay mga adjustment na pwedeng ibigay ng employer sa kanilang empleyado upang bigyang konsiderasyon ang kanilang mental health condition sa aspeto ng pagtratrabaho sa kanilang kompanya. Ang mandato ng ating batas ay bigyan ang mga empleyado ng “reasonable accommodation” ngunit hindi na nagbigay pa ng mga halimbawa o limitasyon nito.
Ano ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagtalakay ng work accommodations para sa mga empleyado?
Ano ang mga halimbawa ng accomodations na maaring ibigay sa isang empleyado?
Tandaan, ang mga accommodations o adjustments na ibibigay ng employer sa empleyado ay minimum na kailangang “reasonable.” Kung nais nilang magbigay ng maraming accomodations ay swerte, pero hindi sila required to go out of their way para i-accommodate ang lahat ng pangangailangan mo o para ikaw ay magkaroon ng advantage kumpara sa mga kasamahan ng taong may MH condition. Mayroon ring kaakibat na mga responsibilidad sa panig ng empleyado ang set-up na ito:
Sa susunod na pagbabahagi ko, magbibigay ako ng mas maraming halimbawa ng mga accommodations na maaring ibigay sa isang empleyado sa mga karaniwang MH conditions.
NB. Ang mga nilalaman ng post na ito ay hango sa mga iba’t ibang article at sinalin sa Pilipino at ginawang simple para sa kapakanan ng mga karaniwang Pilipino.
By: Christopher P. Alipio, MD, DSBPP
Member – Academy of Organizational and Occupational Psychiatry
Medical Specialist II – Amang Rodriguez Memorial Medical Center
References:
Ang psychotherapy o talk therapy ay isang mabisang paraan ng gamutan sa maraming mental health conditions. Ito ay maaring magdulot ng pagbuti ng pakikisalamuha sa iba, pagbawas ng stress na nararanasan, at mas malalim na pagkilala sa sarili. Nangangailangan ito ng motibasyon, disiplina, trabaho sa panig na pasyente, pamilya, at doktor, upang maging epektibo. Ang isang pasyente ay makikinabang dito depende sa lala ng karamadaman, abilidad na magmuni muni tungkol sa sarili at motibasyon na isabuhay ang mga natutunan sa therapy.
Kailangan tandaan na maaring maungkat ang mga hindi magandang ala-ala habang nasa psychotherapy katulad ng guilt, anxiety, nalimutan ng galit, at lungkot lalo na sa mga unang yugto ng psychotherapy. Kapag nakakaramdam ng mga hindi magandang pakiramdam, importante na ito ay ipaalam sa iyong psychotherapist para ito ay mabigyan ng tamang konteksto at ma-process.
Tandaan, ang tinutukoy kong psychotherapy dito ay ang pormal na mga klase ng psychotherapy na may specific na pamamaraan at technique. Maraming klase ng psychotherapy (See below). Kung sa unang pag-uusap niyo ng iyong doktor ay nagpayo siya sa iyo at may mga itinuro siya sa iyong ilang paraan para gumaang ang iyong pakiramdam, ito ay maaring mapabilang sa tinatawag na brief therapy/crisis intervention o kadalasan, supportive psychotherapy.
Isipin na parating may 3 bahagi ang kahit anong klase ng psychotherapy. Una, ang assessment na bahagi. Dito, kinukuhaan ng background na impormasyon ng therapist ang pasyente. Maari itong magfocus sa mga pangyayari na kasalukuyang nararanasan sa pasyente o magfocus naman sa mga nangyari sa nakalipas ng pasyente. Maaari itong magtagal ng isa hanggang maraming sessions depende sa lalim ng pagkolekta ng impormasyon na kinakailangan. Maaari ring magbigay ng interpretasyon at kuro-kuro ang therapist sa mga ibabahagi ng pasyente at kadalasan magkakaroon na ng mas malalim na pagkilala ang pasyente sa kanilang sarili. Maaari ring madiskubre ng pasyente sa paglalahad ng kanilang talambuhay o kasalukuyang mga karanasan na iba na ang pananaw nila ngayon sa kanilang mga karanasan kumpara noong panahon na naganap ito. Sa ikalawang bahagi, mag se-set ng goals/objectives (layunin) ang therapist at pasyente. Ano ang mga tratrabahuhin nila para isaayos at baguhin. Ikatlo, ay ang mismong mga sessions kung saan isasakatuparan ang mga napagusapang mga plano at layunin. May iba ibang paraan, technique, of methodology ng psychotherapy. Ito ay tatalakayin ng mas malalim sa mga susunod na bahagi. Kadalasan meron ding tinatawag na “termination phase” or pagtatapos na bahagi kung saan binabalikan kung nangyari o nakamit ba ang mga layunin ng psychotherapy at inihahanda ang pasyente sa paghihiwalay nila ng landas ng therapist.
Hindi. Ginagawa ang ang psychotherapy sa tamang oras at sa tamang kondisyon ng pag-iisip ng pasyente. Kailangang handa ang isip ng pasyente (receptive) na gawin ang proseso ng psychotherapy. Karaniwan, may mga panuntunan (requirement) na hinahanap ang therapist/psychiatrist upang masabi na ang pasyente ay makikinabang sa gagawing psychotherapy.
Ano ang mga ito? (1) Kapasidad na magmuni-muni tungkol sa sarili (insight and psychological mindedness) (2) Kapasidad na makaisip sa abstract level (capacity to understand metaphors and analogies) o kapasidad na mahango ang tunay kahulugan ng mga kasabihan, salawikain, mga talinhaga, at mga kasabihan; (3) Fair judgment – kapasidad na matukoy ano ang magiging posibleng mga resulta ng isang desisyon at piliin ang mas akmang aksyon; (4) Intact Reality Testing – alam at tanggap ang katotohanan at hindi; (5) Good Impulse Control – hindi mapusok; (6) Meaningful Object Relations – matatag na kakayanang mapanatiling mabuti at buo ang imahe ng mga mahal sa buhay sa loob ng isip (Basahin: Ano ang Object Relations?); (5) Acceptable level of compartmentalization – kakayanang hindi paghaluin ang mga iba’t ibang isyu na hindi magkaugnay; (6) Acceptable Level of Frustration Tolerance – kakayanan na matanggap na hindi agad nakukuha ang lahat ng isang iglap lang.
Madalas, tinitimbang ng isang therapist/psychiatrist ang kakayanan ng isang pasyente/kliyente na mag-benefit sa psychotherapy. Maari nitong baguhin ang pamamaraan base sa mga reaksyon ng pasyente sa mga ideya at test na isasagawa niya sa pamamagitan ng matalinhagang pagtatanong.
Ang psychotherapy ay isa sa mga paraan ng gamutan sa psychiatry/psychology. Ang panggagamot sa psychiatry ay mahahati sa tatlong aspeto: biological, psychological, at social. Ang pagbibigay ng gamot ay ang biological na parte, ang psychotherapy ay ang sa psychological, at ang mga bagay katulad ng case management (pag asikaso ng social worker ng mga bagay na makakatulong para mapabuti ang kalagayan ng pasyente sa kaniyang lugar na ginagalawan katulad ng pagtulong magkatrabaho, mailipat sa mas akmang eskwela, o mailagay sa tamang tahanan).
Sa unang pagpunta pa psychiatrist o psychologist, karaniwan isang consultation ang ginagawa. Ang layunin nito ay makabuo ng isang diagnosis o matukoy ang mga main problems na kailangang ayusin. Maaring magbigay agad ng lunas at maari ring magtagal ng ilang meeting ang pagtukoy na ito. Maari sa pagkonsulta na ito ay makapagbigay ng payo ang therapist o makapag bigay ng ilang kuro kuro tungkol sa kalagayan ng pasyente ngunit katulad ng sabi ko na, ito ay parte ng “supportive psychotherapy,” pagbibigay lamang ng suporta. Matatawag itong isang klase ng psychotherapy ngunit hindi ito nakakapagbigay ng pangmatagalan na lunas.
Sa madaling sabi, hindi ibig sabihin na nagpunta ka sa psychiatrist at kinausap ka nito ay nakapagpsychotherapy ka na. Pinaplano ito at may tukoy na proseso.
Sa mga susunod na bahagi, tatalakayin pa ang…
–Christopher P. Alipio, MD, DSBPP
Psychiatrist
Sino-sino ang may karapatan magkaroon ng PWD ID?
————————————————————————————————–
Para sa mga taong nakakaranas ng mga Mental Health Conditions (Karamdamang Pang-kaisipan), marami ang nagtatanong kung maari ba silang makakuha ng Medical Certificate/Abstract para manging supporting document upang makahingi sila ng PWD ID. Maraming mga impormasyon ang kailangan malaman tungkol sa bagay na ito.
Sa kasalukuyan, sa ating bansa, walang panuntunan (criteria) para ispesipiko na masabi kung anong mga karamdaman na pang-kaisipan o lala (severity) ng mga ito na maaring ma-deklara na disabled. Dahil dito, sa susunod na convention ng mga psychiatrist, ito ay pag-uusapan at pag-meemeetingan upang magkaroon ng pamantayan at uniformity sa pag-issue ng medical certificate for psychosocial disability.
Ang ilan sa mga hindi opisyal na pamantayan na ginagamit ng doktor sa pag-assess kung ang isang tao ay may psychosocial disability ay:
Personally at bilang propesyonal, dahil walang panuntunan, ginagamit ko ang score na 51 pababa bilang na maaaring ma-konsidera na may psychosocial disability.
Sa pagsalin sa Pilipino:
51-60 Katamtamang mga Sintomas – Katamtamang kapansanan sa sa pakikisalamuha, trabaho o eskwela (halimbawa: kaunti ang kaibigan, parating nagkakaproblema sa mga katrabaho)
41-50 Seryosong mga sintomas (suicidal, malalang obsessional na mga ritwal) o seryosong kapansanan sa social, trabaho o eskwela (walang kaibigan, hindi mapanatili ang trabaho/parating natatanggal, o hindi talaga makapagtrabaho)
31-40 Kaunting problema sa pagtanggap ng realidad at hirap makipag-usap (illogical, hindi maintindihan, kakaiba ang pananalita, hindi maalagaan ang sarili, hindi makapagtrabaho)
21-30 Halos lahat ng kinikilos ay dulot ng mga delusyon, bulong o, malalang kapansanan sa komunikasyon, pagdedesisyon, o hindi na maka gawa kahit mga simpleng bagay (halimbawa: nasa kama lang buong araw)
11-20 Kaunting panganib na masaktan ang sarili o iba dahil hindi alam ang ginagawa o suicidal o bayolente o wala talagang kakayanan na makipag komunikasyon, paminsan-minsan na hindi mapangalagaan ang pansariling kalinisan
1-10 Lubos na panganib na masaktan ang sarili o ibang tao, madalas na hindi napapangalagaan ang sariling kalinisan.
Malinaw naman siguro kung bakit ang score na 50 pababa ay maaring i-consider na psychosocially disabled.
Sa bagong DSM-5 (ito ay libro kung saan nakikita ang mga pangalan at depinisyon ng mga mental health conditions) merong bagong scale o sukatan na ginagamit para masukat ang disability. Ito ay ang WHODAS 2.0 o WHO Disability Assessment Scale | Link |
Sa aking palagay, ang score na equivalent sa moderate at mas malala pa ay ang maari ring masabing psychosocially disabled.
TANDAAN, hindi base ang pagkadeklara ng psychosocial disability sa ilang mga diagnosis ng mental health conditions kungdi sa level ng functionality ng mga taong dumadanas dito.
Ang mga karaniwang mga karamdaman na nabibigyan ng psychosocial disability ay: Intellectual Disability ( Dating Mental Retardation), Severe/Malalang Schizophrenia, Depression at Bipolar.
Ayon sa depinisyon ng UN | Reference | ang psychosocial disability ay naglalarawan sa mga nararanasan ng tao na may kakulangan o kapansanan na may kinalaman sa kanilang kaisipan na nagdudulot upang mawala/mabawasan ang kakayanan nila na makapag-isip ng malinaw, mapangalagaan ang sarili, at pamahalaan ang kanilang buhay. (Ako lamang ang nag-salin nito)
Maaring uriin ang psychosocial disability bilang: permanente o temporary at Lubos o Bahagya.
Sa kasalukuyan, hindi required na uriin kung anong uri ng kapansanan ang meron ang pinagkakalooban ng PWD ID, dahil dito, karaniwan, nagiging permanent disability ID ang naibibigay sa mga tao samantalang may mga ilan na pansamantala lang ang kanilang kasalukuyang kalagayan at dapat lang na baguhin ang kanilang mga estado at karapatan. Ako ay naniniwala na dapat higpitan ang pag-issue at tagal ng validity ng PWD ID upang maproteksyonan ang mga taong talagang deserving ng karapatan ng PWD ID.
Depende sa lugar, minsan may dagdag na benepisyo. Ang ilan sa importanteng mga benepisyo ay:
Magpunta sa inyong attending doktor, madalas kailangan iyong nakakita na sa inyo ng matagal. TANDAAN: Hindi mag-iissue ang doktor ng medical certificate para sa kapansanan sa pag-iisip na isang beses lang kayo nakausap.
Dalhin ang Medical Certificate sa Barangay at kumuha ng Barangay Certificate at tanungin ang mga susunod na hakbang.
Dalhin ang mga dokumento at 2 piraso na 1×2 ID Picture sa munisipyo/city hall/DSWD at magfill up ng form.
WALANG BAYAD ANG APPLICATION!
Sa kasalukuyan, kada 3 taon ang renewal ng PWD ID.
============
Karagdagang Sangunian (References):
============
PAALALA at DISCLAIMER : Sa layuning maging payak at simple ang mga paliwanag dito, ang references na ginamit ko ay kung maari ay simple rin katulad ng wikipedia. Ang impormasyon dito ay hindi para sa mga propesyonal. Maaring na-oover simplify minsan ang mga paliwanag upang ito ay maadaling maintindihan. Pasintabi po.
============
Sulat ni:
Christopher P. Alipio, MD, DSBPP
Psychiatrist
Centuria Medical Makati
Amang Rodriguez Memorial Medical Center
Veterans Memorial Medical Center
The (Financial) Burden of Mental Health Care in the Philippines
Sensitibong topic parati at madalas nahihiya ang mga tao na magtanong kung magkano ba talaga ang kailangan para mapangalagaan ang kanilang kalusugang pang-kaisipan(Mental Health). Madalas, ako mismo ang nagbribring up at direktang nagtatanong kapag patapos na ang unang konsultasyon, at naibahagi ko na ang nirerekomenda kong strategy ng gamutan, kung ang gamot ba na aking napili ay “affordable” para sa pasyente.
Magkano ba talaga ang kailangan para makapagpacheck-up ng mental health. Ang simpleng sagot: DEPENDE sa setting.
Nakakalungkot lang kung minsan na ang mga taong may kapasidad naman magbayad at nakakagastos para sa mga bagay na mukhang di naman kasing importante ng kanilang Mental Health, ay umaagaw ng oras sa mga totoong indigent na pasyente sa mga government OPD. Sila pa karaniwan ang kumakain ng maraming oras kumpara sa mga totoong nangangailangan ng libreng serbisyo ng gobyerno.
Marami ang nangangamba na mahal ang gamot na para sa depression, o schizophrenia, at iba pang mental health conditions. Marahil, totoo ito sa puntong, kadalasan kinakailangan na inumin ng matagal na panahon (buwan) o minsan gawing maintenance ang mga gamot na ito, ngunit, ang kadalasan kong sinasabi sa aking mga pasyente: “Ano ba ang halaga ng iyong Peace of Mind?” Isa pa, marami ng available na Generic brands na epektibo naman at ligtas. Sinasabi ko rin nga sa aking mga pasyente: “Minsan mas hiyang pa ang isang tao sa mas affordable na brand. Que colgate o happee toothpaste pareho lang pong nakakalinis ng ipin.”
Mga halimbawa ng mga gamot:
Importante ring malaman ng mga pasyente at kamag-anak na pwedeng humingi ng tulong para sa gamot sa mga iba’t-ibang ahensiya katulad ng DSWD, PCSO, o mga lokal na pamahalaan. Namamahagi sila ng voucher na pwede ninyo ibili ng gamot. Kailangan lang ninyo ng medical abstract mula sa inyong mga doktor at certificate of indigency galing sa inyong barangay.
Pahabol na payo: Huwag mahiyang magtanong sa inyong doktor tungkol sa mga halaga ng gamot na nirereseta sa inyo, tanungin kung may mairerekomenda ba na mas affordable at epektibo naman na version. Pag follow-up banggitin kung ano ang brand na nabili niyo o nirekomenda ng pharmacist sa inyong doktor. Magtanong. Hindi po maooffend ang inyong doktor sa mga tanong tungkol sa presyo. Naiintindihan po namin ang kalagayan ng lahat. Trabaho po namin yun.
Edit #1: July 22, 2018
Kung sa pagkakataon na kailanganin ma-admit para obserbahan o para mapa-hupa ang sumpong ng ibang mental health conditions, karaniwang may gastos din.
–Christopher P. Alipio, MD, DSBPP
Psychiatrist
Sinalin ko sa Tagalog ang Mga Karapatan ng mga Mental Health Patients sa ilalim ng Philippine Mental Health Act:
CHAPTER II
MGA KARAPATAN NG PASYENTE AT IBA PA
Section 5. Mga Karapatan ng Service Users (Pasyente). Ang mga Service Users ay makakatamasa ng pantay at walang halong diskriminasyon na mga karapatang ginagarantiya ng Saligang Batas ng Pilipinas, ng UN Universal Declaration of Human Rights, ng Rights and the Convention on the Rights of Persons with Disabilities, at iba pang mga naaayon na International at Regional Human Rights Conventions and Declarations, kabilang ang mga sumusunod:
Basahin: RA 11036 Philippine Mental Health Act
=================================
Sinalin sa Filipino (Tagalog) ni Christopher P. Alipio, MD, DSBPP
=================================
Maraming tao ang nakakaranas ng panandaliang hirap sa pagtulog. Maaring may pagbabagong nangyari kamakailan lang sa buhay, namamahay, o may iniisip.
Iba’t ibang klase ang hirap sa pagtulog. Pwedeng: (1) hirap makatulog, pero pag nakatulog na tuloy tuloy na; (2) parating nagigising (tulog manok); o (3) nagigising ng madaling araw tapos di na makabalik sa pagtulog. Pwede ring kombinasyon ng mga ito at iyon ay minsan nangangahulugang, buong gabi ka ng di makatulog.
Maari ring ang problema ay na-iba ang iyong “body clock.” Sa umaga ka na nakakatulog.
Ito ay mga bagay na itatanong sa iyo kung ikaw ay komunsulta sa isang sleep specialist na internist o isang psychiatrist.
Pagbutihin ang iyong “sleep hygiene.” Ito ay mga habits, o gawi natin bago matulog na dapat ay papagbutihin.
Pwede uminom ng melatonin (sleepasil), iterax, o diphenhydramine kahit hindi kumonsulta. Ito ay mga over-the-counter na gamot.
================================================
Likha ni :
Christopher P. Alipio, MD, DSBPP
Acute Psychiatric Unit
Amang Rodriguez Memorial Medical Center
================================================
May katanungan ka ba tungkol sa mga Mental Disorders o Mental Health? Ipadala sa pinoymhblog@gmail.com at subukan natin sagutin at talakayin.
================================================
Ang isang sistema na ginagamit sa talk-therapy (psychotherapy) ay ang CBT (Cognitive Behavioral Therapy). Sa CBT, binibigyang importansiya ang mga kahulugan o interpretasyon na binibigay natin sa mga: (1) bagay na nagyayari sa atin sa totoong buhay, at (2) mga bagay na nararanasan natin sa ating pagmumuni o pag-iisip. Ang mga kahulugan o interpretasyon na ito ay nagiging dahilan para makaramdam tayo ng emosyon, at ang mga emosyon na ito ay ang magiging ugat ng kung paano tayo aaksyon, gagalaw, o mag-re-react.
Halimbawa, sinabi ng iyong boyfriend na: “Medyo sunog yung hotdog, ano. Pero masarap gusto ko ‘to tustado!” Halimbawa ng mga maari natin maisip kung mali ang gawi natin:
Ang mga bagay na ito ay tinatawang sa CBT na Cognitive Distortions o mga maling gawi ng pag-iisip o pag-bibigay-kahulugan. Ang mga cognitive distortions na ito may maaring magdulot na tayo ay: maainis, madepress, magalit, atbp. Ang mga maling gawi na ito ay natutunan natin at hindi naman natin sinasadya o ginugustong isipin talaga pero naging gawi na nga natin. Dahil ito ay gawi lamang pwede itong mai-tama.
Ang mga Cognitive distortions na ito ay maaring ma-correct/mai-tama sa pamamagitan ng pag-pansin sa ating mga gawi, paglilista, at pag-mu-muni-muni kung paano natin ito maitatama.
Ang mga pinakamadalas na maling gawi ng pagbibigay-kahulugan ay:
Ang tatlong ito ang mga pinakamadalas natin gawing mga pilipino na maling gawi ng pag-iisip. Ilan pa sa mga Cognitive distortions na ginagawa natin ay:
Paano natin maitatama ang mga ito? Dapat tayo ay mag-lista sa araw-araw ng ating mga pagmumuni muni. Pagkatapos, lagyan natin kung anong cognitive distortion ang ginagawa natin at kung ano ang nararamdaman natin dahil doon. Pagakatapos mag-iisip tayo ng alternatibong paraan ng pag-iisip na mas healthy at makakabuti sa pakiramdam natin at pansinin kung pag ganoon ba ang inisip natin ay hindi na tayo makakaramdam ng masama.
“Marami pa namang pagkakataon sa susunod na makakapagluto ako ng hotdog, mas pag-bubutihin ko na”
“Gusto pala niya ng tustado, tatanungin ko kung gaano ka tustado ang gusto niya”
“Iba-iba pala ang gusto ng tao hahaha yung dati kong boyfriend ayaw ng sunog, ito gusto naman sunog hihihi…”
================================================
Likha ni :
Christopher P. Alipio, MD, DSBPP
Acute Psychiatric Unit
Amang Rodriguez Memorial Medical Center
================================================
May katanungan ka ba tungkol sa mga Mental Disorders o Mental Health? Ipadala sa pinoymhblog@gmail.com at subukan natin sagutin at talakayin.
================================================
(c) 2018 Chris Alipio
Design by ThemeShift.