Pinoy Mental Health Blog

Ano ang Anxiety Disorder?

Ang Anxiety Disorder ay isang grupo ng karamdamang pang-kaisipan (Mental Disorder) kung saan ang tao ay nakakaramdam ng pagkabalisa, kaba o nerbiyos (nervousness) sa mga bagay na maaring nakikita o nararanasan sa totoong buhay, o mga bagay na paulit-ulit nilang naiisip.

Maraming mga karamdaman na kabilang sa grupo ng Anxiety Disorders. Ang mga halimbawa ay: Social Anxiety (Takot na makisalamuha sa ibang tao o mag-tanghal — halimbawa: mag-recite sa harap ng klase); Phobia (nakaka-paralisang takot sa isang bagay — halimbawa: Phobia sa paglangoy); o Panic Disorder (sobrang balisa o kaba na umaatake na lang bigla). Isa isa nating tatalakayin ang mga ito sa iba pang mga posts.

Basahin: Ano ang Panic Disorder?
Basahin: Ano ang Social Anxiety?
Basahin: Ano ang Phobia?

Kailangan ko na bang magpunta sa Psychiatrist?

Kung ang nararamdaman mong kaba ay nakaka-apekto sa mga gawain mo sa araw-araw (halimbawa: di ka na makasakay ng jeep dahil sa takot na atakihin ka ng nerbiyos), mas makakabuti na kumonsulta ka sa mental health professional para ikaw ay matulungan.

Nagagamot ba ang Anxiety Disorder?

Oo. Maraming paraan na ito ay magamot. Ang kombinasyon ng oral medications (tableta, etc) at psychotherapy lalo na ang CBT (Cognitive Behavioral Therapy, isang pamamaraan ng psychotherapy, ay maganda ang epekto para matalo ng isang tao ang kanyang anxiety).

Baliw ba ang mga taong May Anxiety?

Hindi po. Malayong-malayo po sa baliw. (Basahin: Ano ba yung baliw?!)

Nakakahawa po ba ang Anxiety Disorder?

Hindi.

Namamana po ba ang Anxiety Disorder?

Karaniwan, marami sa pamilya ang nerbiyoso rin. Hindi namamana ang sakit mismo kungdi ang potensyal. Mataas ang tsansa (chance) kung meron kang first-degree relative (magulang, kapatid) na merong diagnosed na Anxiety Disorder. Dahil may genetic component (Lahi) ang Anxiety Disorder, kung may partikular na gamot na hiyang sa iyong kamag-anak na may Anxiety, mataas ang tsansa na ito ay maging epektibo rin sa iyo.

 

================================================
Likha ni :
Christopher P. Alipio, MD
Acute Psychiatric Unit
Amang Rodriguez Memorial Medical Center
================================================
May katanungan ka ba tungkol sa mga Mental Disorders o Mental Health? Ipadala sa pinoymhblog@gmail.com at subukan natin sagutin at talakayin.
================================================

16 Comments

  1. Marzie

    December 15, 2017 at 11:45 am

    Anxiety disorder po ba ang hirap huminga, sumasakit ang ulo, pagpapalpitate?

    Reply
  2. Mary Ann s caparanga

    June 20, 2018 at 10:33 am

    Ako po ay my anxiety d na po AQ makapagtrabho.d nrin AQ makapunta sa sch. Ng mga ank q d po AQ makapunta sa palengle dahil lagi q ciang nararanasan lagi Nlang AQ sa bahay d q nrin maackaso ng maayos ang Lima ang anak.sana po at matulungan ninyo ako.salamat po.

    Reply
    • admin_pmhb

      September 23, 2018 at 6:50 am

      Magpatingin po kayo. Magpasama po kayo para makapag pa check-up.

      Reply
  3. Isabel Macapanas

    August 16, 2018 at 9:11 am

    Anxiety po ba ang laging kinakabahan,at laging takot na maranasan mo tulad ng pag baha sa marikina,tulad ng may kapitbahay kng nabaril? Lagi na lng akng nenerbious,at kng ano anu na ang nag lalaro sa isipan ko hanggang sa manghina

    na ang katawan ko sa kakaisip.pki payuhan nyo ako at ano ang gamot nito.paranoid nko.thanks

    Reply
    • admin_pmhb

      September 23, 2018 at 6:48 am

      Opo. Hindi po ito lugar ng konsultasyon. Sa clinic po ginagawa ang konsultasyon. Ang payo ko po ay magpatingin po kayo.

      Reply
  4. Anonymous

    September 26, 2018 at 1:57 pm

    salamat sa payo.

    Reply
  5. Benli Maniego

    November 29, 2019 at 7:45 pm

    Panu po pag yung palaging nagiisip ng sobra,tapos takot po ako magkamali, mabilis kabahan Saka my heart palpitations po ako anxiety na din ba yun,

    Reply
    • admin_pmhb

      August 15, 2020 at 3:42 pm

      Opo.

      Reply
  6. Aira Angela Fujiwara

    February 5, 2020 at 3:10 am

    Anxiety ba itong naaramdaman ko nanfeeling ko ako lagi ang topic ng mga tao. Yung kapag may cnbi cla iniisip kp ako yun. Yung sobrangvtamangvhinala ko na lahat ng ppsts nila is patama sakin. Feeling ko na ayaw nila sakin for some reasons.
    Hindi kc ako mpakali. Na para bang feeling ko wala akong kwenta sa ibang tao. Na kahit anong gawin kongvmabuti may mali ako iniisip ko na galit ang mga tao sakin.
    Sumosobra na po ang pagiging tamang hinala ko.

    Reply
    • admin_pmhb

      August 15, 2020 at 3:40 pm

      Kailangan niyo pong makipag-usap o magpatingin sa mental health professional. Hindi po ito ang tamang lugar para po pag usapan ang inyong mga nararamadaman.

      Reply
  7. juliet meguiso

    June 22, 2020 at 12:48 am

    panic disorder itong sa akin….tagal na to…mga 10 years ko na tong dala,,,takot sumakay sa jeep takot mag lakad.mag isa manginginig sa maraming tao balisa…minsa kakabog bigla.ang dibdib..tapos pag.my.konting sigawan kabahan agad yung mabingi kana sa kaba nang dibdib moh…hahay paano mka pag check up kong kapos lhe sa.pera…

    Reply
    • admin_pmhb

      August 15, 2020 at 3:37 pm

      Libre po sa mga government hospital.

      Reply
  8. Anonymous

    July 21, 2020 at 9:09 am

    may anxiety na ba yung taong takot sa mga bagay2x tulad ng mainggay tas meron siyang sariling mundo na yung isip niya talaga yung sinusunod niya ano po ang gamot sa ganyang uri ng sakit?

    Reply
    • admin_pmhb

      August 15, 2020 at 3:36 pm

      Dapat po pay patignan ninyo para po maeksamin ng mabuti.

      Reply
  9. jessaclaire dela torre

    August 15, 2020 at 2:08 am

    minsan po dumadating ako sa point na bigla nalang ako natatakot nagka phobia po kasi ako simula nung masakasam ko sa bahay yung tito ng asawa ko na may mental disorder, nanakit na siya kaya ipapadala na siya sa mental… pero bakit yung takot ko hindi parin natatanggal , pag nagkkwentohan sila about don sa dadalhin na yun sa mental bigla nalang ako kinakabahan, nababalisa , nanginginig ang buong katawan .. nag oover thinking nadin ako… anxiety po ito or mas malala pa?

    Reply
    • admin_pmhb

      August 15, 2020 at 3:35 pm

      Isa pong klase ng anxiety o trauma.

      Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published.