Maraming tao ang nakakaranas ng panandaliang hirap sa pagtulog. Maaring may pagbabagong nangyari kamakailan lang sa buhay, namamahay, o may iniisip.
Iba’t ibang klase ang hirap sa pagtulog. Pwedeng: (1) hirap makatulog, pero pag nakatulog na tuloy tuloy na; (2) parating nagigising (tulog manok); o (3) nagigising ng madaling araw tapos di na makabalik sa pagtulog. Pwede ring kombinasyon ng mga ito at iyon ay minsan nangangahulugang, buong gabi ka ng di makatulog.
Maari ring ang problema ay na-iba ang iyong “body clock.” Sa umaga ka na nakakatulog.
Ito ay mga bagay na itatanong sa iyo kung ikaw ay komunsulta sa isang sleep specialist na internist o isang psychiatrist.
Pagbutihin ang iyong “sleep hygiene.” Ito ay mga habits, o gawi natin bago matulog na dapat ay papagbutihin.
Pwede uminom ng melatonin (sleepasil), iterax, o diphenhydramine kahit hindi kumonsulta. Ito ay mga over-the-counter na gamot.
================================================
Likha ni :
Christopher P. Alipio, MD, DSBPP
Acute Psychiatric Unit
Amang Rodriguez Memorial Medical Center
================================================
May katanungan ka ba tungkol sa mga Mental Disorders o Mental Health? Ipadala sa pinoymhblog@gmail.com at subukan natin sagutin at talakayin.
================================================
Karaniwan sinasabi na kapag nagpapatingin sa isang mental health professional ay “baliw” ang isang tao. “May tama” “May sayad,” at iba pa. Pero, ano nga ba yung ibig sabihin ng baliw??
Ang pinaka tinutukoy ng katagang baliw karaniwan ay ang mga pasyente na may Schizophrenia na malala (Basahin: Ano ang Schizophrenia?). Sila yung mga taong pwedeng maging taong grasa kung di magamot. Sila yung may pscyhotic symptoms na malala.
Ang dalawang pinaka karaniwang halimbawa ng psychotic symptoms ay:
Una, hallucinations – may nakikita o naririnig, o nararanasan na sila lamang ang nakakaramdam. Maaring may naririnig silang boses na nagsasabi ng mga insulto sa kanila o di kaya sinasabing papatayin sila kaya sila naprapraning. (Basahin: Mga halimbawa ng hallucinations) Minsan dahil dito nagkakaroon sila nitong pangalawang psychotic symptom na ang tawag ay…
Ikalawa, delusions. Ang delusions ay mga paniniwalang hindi totoo pero kumbinsidong kumbinsido ang taong meron nito. Halimbawa, pinipilit nila na may masamang balak ang kapit bahay sa kanila o di kaya siya ay pinag uusapan ng lahat ng tao. Karaniwan malalaman na ito ay delusions dahil sa tindi ng pagtatanggol nila ng paniniwalang ito. Ipipilit talaga nila na ito ay tunay. (Basahin: Iba’t-ibang klase ng Delusions)
Pag hindi nagamot, maaring lumala ang psychosis at sila yung tatawaging baliw.
Nakikita ang psychosis sa Schizophrenia. Maari rin ito makita sa depression at bipolar kung sobrang malala ng mood disorder.
(Basahin: Ano ang Depression? Ano ang Bipolar?)
Hindi lahat ng nagpupunta sa psychiatrist ay baliw. Tulad ng hindi lahat ng nagpupunta sa internist ay may cancer. Maraming sakit ang ginagamot ng internist, surgeon, ENT, at Ophtha. Yung mag-asawang may problema sa kanilang lovelife dumudulog sa psychiatrist para sa couples therapy. Di naman sila baliw. Yung matandang may memory gap o nag-uulyanin di naman baliw pero pasyente rin namin. Yung millenial na hirap mag-adjust sa bagong trabaho at sabay na nag-aaral di baliw pero tinutulungan din namin. Yung pulis na may nerbiyos di rin baliw, pasyente rin namin.
Ang mga taong nagsasabing baliw ang nagpupunta sa mental health professional ay dapat turuan upang hindi sila manatiling ignorante dito. Huwag agad pagbintangan na makitid ang utak bagkus bigyan ng pagkakataon na mapaliwanagan. Pabasa ninyo kaya ito sa kanila.
================================================
Likha ni :
Christopher P. Alipio, MD, DSBPP
Acute Psychiatric Unit
Amang Rodriguez Memorial Medical Center
================================================
May katanungan ka ba tungkol sa mga Mental Disorders o Mental Health? Ipadala sa pinoymhblog@gmail.com at subukan natin sagutin at talakayin.
================================================
Under Construction.
Ano ang mga karaniwang ginagamit na gamot at ano ang mga mabuti at di mabuti (side effects) na naidudulot nila?
Ang mga psychiatric medications ay maigrugrupo sa ilang pamilya. Ngunit (at importante itong maintindihan) hindi nangangahulugan na ito ay maari lamang gamitin sa ganoong pamilya rin ng mga karamdaman. Bakit? Ang mga gamot ay kumakabit sa mga bahagi ng utak na parang susian (ang gamot ang susi) o keyhole upang ibukas ang pinto o isara ang pinto para dumaloy ang signal. Ang mga susian na ito sa utak ay tinatawag na receptors. Ang ibat ibang klaseng susian na ito ay nagkalat sa utak. Minsan ang ibang gamot ay kaya rin kumabit sa susian ng ibang sakit kaya sila rin ay ginagamit.
Ang mga grupo ng gamot na ating tatalakayin ay:
Layunin: mawala o mabawasan ang psychosis – hallucination (Basahin:) at delusions.
Mga karaniwang halimbawa: Risperidone, Olanzapine, Clozapine, Aripiprazole, Amisulpride
Iba pang gamit: maari rin gamitin ang mga antipsychotics sa: autism at adhd, dementia, mga nag dedeliryo, bipolar at depressed kung kailangan kontrolin ang kanilang pagiging agresibo o pag may kaunting hallucination na nahahalo o bilang pampatulog.
Ang mga anti Psychotics ay kumakapit sa mga dopamine receptors(susian) para isara ang pinto at hindi makapasok ang dopamine.
Ang dopamine ay isang “neurotransmitter.” Ang mga neurotransmitter ay chemical na ginagamit ng utak para magpadala ng signal. Kunwari may nililigawan ka papadalan mo ng bulaklak. Alam niya na may ibig sabihin iyon. Sinasabing sobra ang dopamine sa ilang parte ng utak kung may psychosis. Ang antipsychotics ay ipipinid ang pinto para hindi makaraan ang dopamine at makapagdulot ng psychosis.
Ano ang kaibahan ng mga iba’t ibang anti Psychotics?
Risperidone – mataas ang dopamine activity. Maaring gamitin sa mga bata at matanda sa mababang dose kumpara sa ibang mga ka-grupo nito.
Olanzapine – nakakaantok, nakakataba, nakaka lakas kumain, nakaka lala ng diabetes, maaring makapag trigger ng epilepsy
Clozapine – karaniwang nirereserba sa mga malalang kaso ng psychosis o matagal ng karamdaman na nakasubok na ng ibang gamot na nabawasan na ng bisa. Ginagamit din sa mga suicidal. Nakaka-antok, nakakataba, at nakaka-lakas kumain rin.
Aripiprazole – swabe ang epekto sa dopamine. Bahagya lamang “mag-sara” ng pinto.
Amisulpride
Layunin: tumaas ang mood
Mga Karaniwang Halimbawa: Escitalopram, Sertraline, Fluoxetine, Paroxetine
Iba pang gamit: Ginagamit din ang mga gamot na ito sa Anxiety(Nerbiyos) at OCD (Obsessive Compulsive Disorder)
Ang mga anti-depressants ay kumakapit sa Serotonin receptors. Ang serotonin ay sinasabing mababa sa ilang lugar sa utak kung ang tao ay depressed. Tumataas ang availability ng serotonin sa utak sa pamamagitan ng mga makabagong anti-depressants. Ang mahirap ay mabagal bago ito tumalab, mga 2 hanggang 3 linggo bago magsimulang tumalab ang mga gamot na ito. Magtataka ang mga pasyente kung hindi maipapaliwanag kung bakit matagal bago makaramdam ng ginhawa.
Ano ang kaibahan ng mga anti-depressants?
Escitalopram – mas safe sa mga matatanda o maraming iniinom na gamot, mas konti ang inter-aksyon sa ibang mga gamot.
Sertraline – ginagamit rin sa anxiety
Fluoxetine – matagal ang buhay (duration of action)
Paroxetine – nakaka-antok
Layunin: dalhin sa gitna ang mood. Hindi masyadong low-batt (depressed), hindi rin hyper (manic)
Mga Karaniwang Halimbawa: Lithium, Valproate (Divalproex Sodium or Sodium Valproate+Valproic Acid), Lamotrigine
Iba pang gamit: Kombulsyon o epilepsy
Hindi pa matukoy ang partikular na mekanismo bakit gumagana ang mga mood stabilizer. Basta, gumagana sila.
Matagal din sila bago gumana. Ang mga taong sobrang hyper (Basahin: Ano ang Bipolar?) minsan tatagal ng 3 linggo o isang buwan bago humupa ng lubos ang sumpong. Madalas kapag matindi ang sumpong sasabayan ng antipsychotic ang mood stabilizer para mas mabilis humupa ang sumpong, pag kalmado na ang pasyente, iiwanan na lang ang mood stabilizer para gawing maintenance.
Lithium – madaling magkaroon ng side-effect kung di pag-iingatan ang pag-inom. Dapat i-test ang dugo kung tama ang levels tuwing magche-check up para masiguradong tama ang levels. Iwasan ma-dehydrate dahil lalabas din ang mga side effects tulad ng pag sakit ng tiyan (karaniwang unang lalabas), pagkahilo, panginginig, pagkatuyo ng bibig, pagsusuka, di mapakali.
Valproate/Valproic – ito ay makikita sa dalawang formulation: ang Divalproex at and Sodium Valproate. Pareho lamang ito. Magkaiba lamang ng paraan ng pag-absorb. Bawal sa buntis ang Valproic lalo na sa unang ilang buwan, mag-dudulot ito na maging abnormal ang pag-develop ng baby. Safe ito sa mga hindi buntis, hindi lang safe para kay baby.
Lamotrigine – sinasabing mabuti sa mga bipolar depressed. May possibleng side effect na parang nalalaglag ang balat mula sa katawan. Ipapaliwanag ito sa iyo ng doktor.
Layunin: kumalma ka o makatulog ka
Mga Karaniwang Halimbawa: Zolpidem (Stillnox), Diazepam (Valium), Clonazepam(Rivotril), Alprazolam(Xanor), Bromazepam(Lexotan), —vs—Diphenhydramine(Benadryl), Melatonin (Sleepasil)
Iba pang gamit: para sa nerbiyos, o para sa kombulsyon
Bukod sa Diphenhydramine at Melatonin sa itaas, ang mga binanggit ko ay talagang pampatulog. May mga gamot na may side effect na bahagyang nakaka-antok at ito ay maaring gamitin kahit walang pagkonsulta sa doktor. Ang mga halimbawa ko ay kailangan ng espesyal na reseta para mabili.
Ang mababang dose ng mga gamot na ito ay pampakalma ang mas mataas na dose naman ay pampatulog. Pag ikaw ay umasa lamang sa pampatulog at hindi ginamot ang totoong dahilan ng insomnia o anxiety, hindi mo na matitigilang ang pag-gamit nito at katagalan ay di na ito tatalab. Importante ang pag-uusap niyo ng doktor paano malulunasan ng tuluyan ang nararamdaman mo.
Nagkaka-iba lamang ang mga gamot na ito sa tagal ng epekto nila (ilang oras). Alam ng doktor mo ang akma sa iyo na gamot.
Ang dipehnhydramine ay anti-allergy na gamot na nakaka-antok kaya pwedeng gamitin na pampatulog. Ito ay over-the-counter na gamot.
Ang melatonin ay isang chemical na meron tayo sa utak, habang umaandar ang oras, dumadami ito sa ating utak habang papa-gabi. Pag sapat na ang dami nito, aantukin tayo. Isa itong supplement at over-the-counter na mabibili. Kung hindi melatonin ang problema mo, siyempre hindi ito tatalab.
Tandaan, sa pagbabasa ng pabalat ng gamot, maraming nakalistang side-effects ng mga gamot. Madalas rin tanungin ng mga pasyente at kasama nila ano ang mga side-effects ng isang partikular na gamot. Hindi awtomatiko na mararanasan ng bawat pasyente ang mga nakalistang side-effects.
Ito ay mga “possibleng” side-effects lamang. Sa mga pag-aaral iba-iba ang porsyento/chance/tsansa na lumabas ang mga ito at ito ay depende sa maraming kadahilanan.
Totoo ito. Ang tawag sa konseptong ito ay “pharmacogenomics.” Ibig sabihin, maaring kahit parehong generic minsan may partikular na “brand” o gamot na mas “hiyang” sa iyo. Ibig sabihin din, kung ikaw ay may kamag-anak na may kaparehong sakit at gumana ang isang gamot sa kaniya, mataas ang porsyento na tatalab din ito sa iyo. Dapat rin tandaan na kung may ok na brand sa iyo ng gamot, huwag papalit palit ang bibilin mo hanggat maari.
================================================
Likha ni :
Christopher P. Alipio, MD, DSBPP
Acute Psychiatric Unit
Amang Rodriguez Memorial Medical Center
================================================
May katanungan ka ba tungkol sa mga Mental Disorders o Mental Health? Ipadala sa pinoymhblog@gmail.com at subukan natin sagutin at talakayin.
================================================
Ang Schizophrenia ay karamdamang pang-kaisipan (mental disorder) kung saan ang tao ay nakakaranas ng hallucinations (nakakarinig ng mga boses na wala naman talaga) at delusions (mga paniwala na hindi akma sa mga totoong nangyari o mga pangyayari). Ang hallucinations o delusions ay nararanasan halos araw-araw sa loob ng anim na buwan.
Ilan sa karaniwang tema o paksa (theme) ng delusions ay ang paranoia (“naprapraning”). Halimbawa pakiramdam nila may gagawa ng masama sa kanila, lalason, may humahabol o may nagmamanman/nagtitiktik (spying) sa kanila. Minsan sasabihin nila na ayaw nila tumingin sa mga mata ng tao dahil mababasa ang iniisip nila o kaya nangyayari lahat ng kanilang iniisip (tamang-hinala).
Kaakibat ng hallucinations at delusions, meron pang ibang sintomas ang schizophrenia katulad ng disorganized thinking – (magulo mag-isip), naoobserbahan ito sa pamamagitan ng kanilang pananalita, maaring paligoy ligoy silang sumagot o minsan sablay ang mga sagot, at disorganized behavior (kakaiba ang mga kilos), halimbawa, naglalakad ng walang pupuntahan , sinusuot ang underwear sa labas ng short, nakatulala sa pader o puno.
Ang mga taong nakakaranas ng sintomas na ito ay madalas na nahihinto sa karaniwan nilang gawain. Halimbawa, sa trabaho, eskwela, o napapansin ng mga pamilya at kaibigan na hindi na nila nagagampanan ang kanilang mga karaniwang responsibilidad. Isa ito sa mga nag uudyok sa mga kaibigan at kamag-anak na patignan nila ang pasyente.
Sa pamamagitan ng mga gamot (antipsychotics), maaring maibalik sila sa mga dati nilang gawain. Depende sa kung gaano kalala ang tao o gaano katagal na nakakaranas ng sintomas bago dinala sa doctor kung hanggang saan ito maibabalik sa dating kalagayan. Madalas, kailangan uminom ng pasyente ng antipsychotics sa mahabang panahon (taon ang bibilangin) o di kaya pang-habang buhay ngunit ang kapalit naman nito ay ang pagkakataon na mamuhay sila katulad lang ng ibang tao na may pamilya, trabaho, at libangan.
Hindi.
Mataas ang potensyal ng mga taong may kamag-anak sa first degree (magulang, kapatid, anak) na magkaroon din ng schizophrenia. Hindi awtomatikong magkakaroon ng schizophrenia ang mga may kamag-anak na schizophrenia ngunit mataas ang kanilang tsansa (chance) lalo na kung may trigger na mangyari sa kanila (halimbawa, gumamit sila ng shabu).
Hindi lahat ng nakakarinig ng may bumubulong o mga boses na wala namang ibang nakaririnig (hallucinations) ay may schizophrenia. May mga iba pang karamdamang pang-kaisipan (mental disorder) na nakakaranas ng hallucinations. Halimbawa, ang mga taong sobrang depressed (sobrang lungkot) ay maaring makaranas ng hallucinations. Mahalagang may makausap na mental health professional upang matulungan kayong malaman kung ano ang inyong pinagdaraanan.
================================================
Likha ni :
Christopher P. Alipio, MD
Acute Psychiatric Unit
Amang Rodriguez Memorial Medical Center
================================================
May katanungan ka ba tungkol sa mga Mental Disorders o Mental Health? Ipadala sa pinoymhblog@gmail.com at subukan natin sagutin at talakayin.
================================================
(c) 2018 Chris Alipio
Design by ThemeShift.