Ang psychotherapy o talk therapy ay isang mabisang paraan ng gamutan sa maraming mental health conditions. Ito ay maaring magdulot ng pagbuti ng pakikisalamuha sa iba, pagbawas ng stress na nararanasan, at mas malalim na pagkilala sa sarili. Nangangailangan ito ng motibasyon, disiplina, trabaho sa panig na pasyente, pamilya, at doktor, upang maging epektibo. Ang isang pasyente ay makikinabang dito depende sa lala ng karamadaman, abilidad na magmuni muni tungkol sa sarili at motibasyon na isabuhay ang mga natutunan sa therapy.
Kailangan tandaan na maaring maungkat ang mga hindi magandang ala-ala habang nasa psychotherapy katulad ng guilt, anxiety, nalimutan ng galit, at lungkot lalo na sa mga unang yugto ng psychotherapy. Kapag nakakaramdam ng mga hindi magandang pakiramdam, importante na ito ay ipaalam sa iyong psychotherapist para ito ay mabigyan ng tamang konteksto at ma-process.
Tandaan, ang tinutukoy kong psychotherapy dito ay ang pormal na mga klase ng psychotherapy na may specific na pamamaraan at technique. Maraming klase ng psychotherapy (See below). Kung sa unang pag-uusap niyo ng iyong doktor ay nagpayo siya sa iyo at may mga itinuro siya sa iyong ilang paraan para gumaang ang iyong pakiramdam, ito ay maaring mapabilang sa tinatawag na brief therapy/crisis intervention o kadalasan, supportive psychotherapy.
Isipin na parating may 3 bahagi ang kahit anong klase ng psychotherapy. Una, ang assessment na bahagi. Dito, kinukuhaan ng background na impormasyon ng therapist ang pasyente. Maari itong magfocus sa mga pangyayari na kasalukuyang nararanasan sa pasyente o magfocus naman sa mga nangyari sa nakalipas ng pasyente. Maaari itong magtagal ng isa hanggang maraming sessions depende sa lalim ng pagkolekta ng impormasyon na kinakailangan. Maaari ring magbigay ng interpretasyon at kuro-kuro ang therapist sa mga ibabahagi ng pasyente at kadalasan magkakaroon na ng mas malalim na pagkilala ang pasyente sa kanilang sarili. Maaari ring madiskubre ng pasyente sa paglalahad ng kanilang talambuhay o kasalukuyang mga karanasan na iba na ang pananaw nila ngayon sa kanilang mga karanasan kumpara noong panahon na naganap ito. Sa ikalawang bahagi, mag se-set ng goals/objectives (layunin) ang therapist at pasyente. Ano ang mga tratrabahuhin nila para isaayos at baguhin. Ikatlo, ay ang mismong mga sessions kung saan isasakatuparan ang mga napagusapang mga plano at layunin. May iba ibang paraan, technique, of methodology ng psychotherapy. Ito ay tatalakayin ng mas malalim sa mga susunod na bahagi. Kadalasan meron ding tinatawag na “termination phase” or pagtatapos na bahagi kung saan binabalikan kung nangyari o nakamit ba ang mga layunin ng psychotherapy at inihahanda ang pasyente sa paghihiwalay nila ng landas ng therapist.
Hindi. Ginagawa ang ang psychotherapy sa tamang oras at sa tamang kondisyon ng pag-iisip ng pasyente. Kailangang handa ang isip ng pasyente (receptive) na gawin ang proseso ng psychotherapy. Karaniwan, may mga panuntunan (requirement) na hinahanap ang therapist/psychiatrist upang masabi na ang pasyente ay makikinabang sa gagawing psychotherapy.
Ano ang mga ito? (1) Kapasidad na magmuni-muni tungkol sa sarili (insight and psychological mindedness) (2) Kapasidad na makaisip sa abstract level (capacity to understand metaphors and analogies) o kapasidad na mahango ang tunay kahulugan ng mga kasabihan, salawikain, mga talinhaga, at mga kasabihan; (3) Fair judgment – kapasidad na matukoy ano ang magiging posibleng mga resulta ng isang desisyon at piliin ang mas akmang aksyon; (4) Intact Reality Testing – alam at tanggap ang katotohanan at hindi; (5) Good Impulse Control – hindi mapusok; (6) Meaningful Object Relations – matatag na kakayanang mapanatiling mabuti at buo ang imahe ng mga mahal sa buhay sa loob ng isip (Basahin: Ano ang Object Relations?); (5) Acceptable level of compartmentalization – kakayanang hindi paghaluin ang mga iba’t ibang isyu na hindi magkaugnay; (6) Acceptable Level of Frustration Tolerance – kakayanan na matanggap na hindi agad nakukuha ang lahat ng isang iglap lang.
Madalas, tinitimbang ng isang therapist/psychiatrist ang kakayanan ng isang pasyente/kliyente na mag-benefit sa psychotherapy. Maari nitong baguhin ang pamamaraan base sa mga reaksyon ng pasyente sa mga ideya at test na isasagawa niya sa pamamagitan ng matalinhagang pagtatanong.
Ang psychotherapy ay isa sa mga paraan ng gamutan sa psychiatry/psychology. Ang panggagamot sa psychiatry ay mahahati sa tatlong aspeto: biological, psychological, at social. Ang pagbibigay ng gamot ay ang biological na parte, ang psychotherapy ay ang sa psychological, at ang mga bagay katulad ng case management (pag asikaso ng social worker ng mga bagay na makakatulong para mapabuti ang kalagayan ng pasyente sa kaniyang lugar na ginagalawan katulad ng pagtulong magkatrabaho, mailipat sa mas akmang eskwela, o mailagay sa tamang tahanan).
Sa unang pagpunta pa psychiatrist o psychologist, karaniwan isang consultation ang ginagawa. Ang layunin nito ay makabuo ng isang diagnosis o matukoy ang mga main problems na kailangang ayusin. Maaring magbigay agad ng lunas at maari ring magtagal ng ilang meeting ang pagtukoy na ito. Maari sa pagkonsulta na ito ay makapagbigay ng payo ang therapist o makapag bigay ng ilang kuro kuro tungkol sa kalagayan ng pasyente ngunit katulad ng sabi ko na, ito ay parte ng “supportive psychotherapy,” pagbibigay lamang ng suporta. Matatawag itong isang klase ng psychotherapy ngunit hindi ito nakakapagbigay ng pangmatagalan na lunas.
Sa madaling sabi, hindi ibig sabihin na nagpunta ka sa psychiatrist at kinausap ka nito ay nakapagpsychotherapy ka na. Pinaplano ito at may tukoy na proseso.
Sa mga susunod na bahagi, tatalakayin pa ang…
–Christopher P. Alipio, MD, DSBPP
Psychiatrist
Sino-sino ang may karapatan magkaroon ng PWD ID?
————————————————————————————————–
Para sa mga taong nakakaranas ng mga Mental Health Conditions (Karamdamang Pang-kaisipan), marami ang nagtatanong kung maari ba silang makakuha ng Medical Certificate/Abstract para manging supporting document upang makahingi sila ng PWD ID. Maraming mga impormasyon ang kailangan malaman tungkol sa bagay na ito.
Sa kasalukuyan, sa ating bansa, walang panuntunan (criteria) para ispesipiko na masabi kung anong mga karamdaman na pang-kaisipan o lala (severity) ng mga ito na maaring ma-deklara na disabled. Dahil dito, sa susunod na convention ng mga psychiatrist, ito ay pag-uusapan at pag-meemeetingan upang magkaroon ng pamantayan at uniformity sa pag-issue ng medical certificate for psychosocial disability.
Ang ilan sa mga hindi opisyal na pamantayan na ginagamit ng doktor sa pag-assess kung ang isang tao ay may psychosocial disability ay:
Personally at bilang propesyonal, dahil walang panuntunan, ginagamit ko ang score na 51 pababa bilang na maaaring ma-konsidera na may psychosocial disability.
Sa pagsalin sa Pilipino:
51-60 Katamtamang mga Sintomas – Katamtamang kapansanan sa sa pakikisalamuha, trabaho o eskwela (halimbawa: kaunti ang kaibigan, parating nagkakaproblema sa mga katrabaho)
41-50 Seryosong mga sintomas (suicidal, malalang obsessional na mga ritwal) o seryosong kapansanan sa social, trabaho o eskwela (walang kaibigan, hindi mapanatili ang trabaho/parating natatanggal, o hindi talaga makapagtrabaho)
31-40 Kaunting problema sa pagtanggap ng realidad at hirap makipag-usap (illogical, hindi maintindihan, kakaiba ang pananalita, hindi maalagaan ang sarili, hindi makapagtrabaho)
21-30 Halos lahat ng kinikilos ay dulot ng mga delusyon, bulong o, malalang kapansanan sa komunikasyon, pagdedesisyon, o hindi na maka gawa kahit mga simpleng bagay (halimbawa: nasa kama lang buong araw)
11-20 Kaunting panganib na masaktan ang sarili o iba dahil hindi alam ang ginagawa o suicidal o bayolente o wala talagang kakayanan na makipag komunikasyon, paminsan-minsan na hindi mapangalagaan ang pansariling kalinisan
1-10 Lubos na panganib na masaktan ang sarili o ibang tao, madalas na hindi napapangalagaan ang sariling kalinisan.
Malinaw naman siguro kung bakit ang score na 50 pababa ay maaring i-consider na psychosocially disabled.
Sa bagong DSM-5 (ito ay libro kung saan nakikita ang mga pangalan at depinisyon ng mga mental health conditions) merong bagong scale o sukatan na ginagamit para masukat ang disability. Ito ay ang WHODAS 2.0 o WHO Disability Assessment Scale | Link |
Sa aking palagay, ang score na equivalent sa moderate at mas malala pa ay ang maari ring masabing psychosocially disabled.
TANDAAN, hindi base ang pagkadeklara ng psychosocial disability sa ilang mga diagnosis ng mental health conditions kungdi sa level ng functionality ng mga taong dumadanas dito.
Ang mga karaniwang mga karamdaman na nabibigyan ng psychosocial disability ay: Intellectual Disability ( Dating Mental Retardation), Severe/Malalang Schizophrenia, Depression at Bipolar.
Ayon sa depinisyon ng UN | Reference | ang psychosocial disability ay naglalarawan sa mga nararanasan ng tao na may kakulangan o kapansanan na may kinalaman sa kanilang kaisipan na nagdudulot upang mawala/mabawasan ang kakayanan nila na makapag-isip ng malinaw, mapangalagaan ang sarili, at pamahalaan ang kanilang buhay. (Ako lamang ang nag-salin nito)
Maaring uriin ang psychosocial disability bilang: permanente o temporary at Lubos o Bahagya.
Sa kasalukuyan, hindi required na uriin kung anong uri ng kapansanan ang meron ang pinagkakalooban ng PWD ID, dahil dito, karaniwan, nagiging permanent disability ID ang naibibigay sa mga tao samantalang may mga ilan na pansamantala lang ang kanilang kasalukuyang kalagayan at dapat lang na baguhin ang kanilang mga estado at karapatan. Ako ay naniniwala na dapat higpitan ang pag-issue at tagal ng validity ng PWD ID upang maproteksyonan ang mga taong talagang deserving ng karapatan ng PWD ID.
Depende sa lugar, minsan may dagdag na benepisyo. Ang ilan sa importanteng mga benepisyo ay:
Magpunta sa inyong attending doktor, madalas kailangan iyong nakakita na sa inyo ng matagal. TANDAAN: Hindi mag-iissue ang doktor ng medical certificate para sa kapansanan sa pag-iisip na isang beses lang kayo nakausap.
Dalhin ang Medical Certificate sa Barangay at kumuha ng Barangay Certificate at tanungin ang mga susunod na hakbang.
Dalhin ang mga dokumento at 2 piraso na 1×2 ID Picture sa munisipyo/city hall/DSWD at magfill up ng form.
WALANG BAYAD ANG APPLICATION!
Sa kasalukuyan, kada 3 taon ang renewal ng PWD ID.
============
Karagdagang Sangunian (References):
============
PAALALA at DISCLAIMER : Sa layuning maging payak at simple ang mga paliwanag dito, ang references na ginamit ko ay kung maari ay simple rin katulad ng wikipedia. Ang impormasyon dito ay hindi para sa mga propesyonal. Maaring na-oover simplify minsan ang mga paliwanag upang ito ay maadaling maintindihan. Pasintabi po.
============
Sulat ni:
Christopher P. Alipio, MD, DSBPP
Psychiatrist
Centuria Medical Makati
Amang Rodriguez Memorial Medical Center
Veterans Memorial Medical Center
The (Financial) Burden of Mental Health Care in the Philippines
Sensitibong topic parati at madalas nahihiya ang mga tao na magtanong kung magkano ba talaga ang kailangan para mapangalagaan ang kanilang kalusugang pang-kaisipan(Mental Health). Madalas, ako mismo ang nagbribring up at direktang nagtatanong kapag patapos na ang unang konsultasyon, at naibahagi ko na ang nirerekomenda kong strategy ng gamutan, kung ang gamot ba na aking napili ay “affordable” para sa pasyente.
Magkano ba talaga ang kailangan para makapagpacheck-up ng mental health. Ang simpleng sagot: DEPENDE sa setting.
Nakakalungkot lang kung minsan na ang mga taong may kapasidad naman magbayad at nakakagastos para sa mga bagay na mukhang di naman kasing importante ng kanilang Mental Health, ay umaagaw ng oras sa mga totoong indigent na pasyente sa mga government OPD. Sila pa karaniwan ang kumakain ng maraming oras kumpara sa mga totoong nangangailangan ng libreng serbisyo ng gobyerno.
Marami ang nangangamba na mahal ang gamot na para sa depression, o schizophrenia, at iba pang mental health conditions. Marahil, totoo ito sa puntong, kadalasan kinakailangan na inumin ng matagal na panahon (buwan) o minsan gawing maintenance ang mga gamot na ito, ngunit, ang kadalasan kong sinasabi sa aking mga pasyente: “Ano ba ang halaga ng iyong Peace of Mind?” Isa pa, marami ng available na Generic brands na epektibo naman at ligtas. Sinasabi ko rin nga sa aking mga pasyente: “Minsan mas hiyang pa ang isang tao sa mas affordable na brand. Que colgate o happee toothpaste pareho lang pong nakakalinis ng ipin.”
Mga halimbawa ng mga gamot:
Importante ring malaman ng mga pasyente at kamag-anak na pwedeng humingi ng tulong para sa gamot sa mga iba’t-ibang ahensiya katulad ng DSWD, PCSO, o mga lokal na pamahalaan. Namamahagi sila ng voucher na pwede ninyo ibili ng gamot. Kailangan lang ninyo ng medical abstract mula sa inyong mga doktor at certificate of indigency galing sa inyong barangay.
Pahabol na payo: Huwag mahiyang magtanong sa inyong doktor tungkol sa mga halaga ng gamot na nirereseta sa inyo, tanungin kung may mairerekomenda ba na mas affordable at epektibo naman na version. Pag follow-up banggitin kung ano ang brand na nabili niyo o nirekomenda ng pharmacist sa inyong doktor. Magtanong. Hindi po maooffend ang inyong doktor sa mga tanong tungkol sa presyo. Naiintindihan po namin ang kalagayan ng lahat. Trabaho po namin yun.
Edit #1: July 22, 2018
Kung sa pagkakataon na kailanganin ma-admit para obserbahan o para mapa-hupa ang sumpong ng ibang mental health conditions, karaniwang may gastos din.
–Christopher P. Alipio, MD, DSBPP
Psychiatrist
Sinalin ko sa Tagalog ang Mga Karapatan ng mga Mental Health Patients sa ilalim ng Philippine Mental Health Act:
CHAPTER II
MGA KARAPATAN NG PASYENTE AT IBA PA
Section 5. Mga Karapatan ng Service Users (Pasyente). Ang mga Service Users ay makakatamasa ng pantay at walang halong diskriminasyon na mga karapatang ginagarantiya ng Saligang Batas ng Pilipinas, ng UN Universal Declaration of Human Rights, ng Rights and the Convention on the Rights of Persons with Disabilities, at iba pang mga naaayon na International at Regional Human Rights Conventions and Declarations, kabilang ang mga sumusunod:
Basahin: RA 11036 Philippine Mental Health Act
=================================
Sinalin sa Filipino (Tagalog) ni Christopher P. Alipio, MD, DSBPP
=================================
Ilan sa mga pelikula na ito ay may tema na tungkol sa mga karamdamang pang-kaisipan. Ilan ito sa mga minumungkahi ko sa mga estudiante ko na panoorin para mapag isipan nila ang mga tungkol sa iba’t-ibang aspeto ng psychiatry at psychology.
Brothers (2009) – Jake Gyllenhaal, Natalie Portman, at Toby Maguire – Istorya tungkol sa isang sundalo na naging prisoner-of-war (POW) sa middle east. Pag balik niya, nakaranas siya ng PTSD o post-traumatic stress disorder. Kitang-kita sa pag-ganap ni Toby Maguire kung ano ang mga nararanasan ng mga taong dumanas ng traumatic life events.
Silver Linings Playbook
Ipagpapatuloy…
(c) 2018 Chris Alipio
Design by ThemeShift.